Sunday, March 25, 2012

Yun yung Exciting!

Nakita ko itong signage na ito.... "True love waits."

Uuuiii. May naisip siya bigla. ALAM KO NA! haha. -- si crush? Si boyfriend? Si childhood love? Ako din kasi... SIYA din yung naisip ko nung nabasa ko ito. Maraming pwedeng dahilan kung bakit natin sila naiisip...

Naghihintay ka sa mahal mo...
..kasi alam mo na merong perfect timing na ibibigay sainyo si Papa Jesus
..kasi meron pa siyang dapat gawin bago kayo maging "kayo"
..kasi gusto niyo pang i-enjoy yung pagiging "ako-state"

the bottom is...

..KASI MAHAL MO SIYA. at gusto mo perfect lahat kapag kayo na...

Sabihin nating TRUE LOVE talaga kapag ang isang tao eh naghihintay. Pero paano kapag dumating yung puntong lahat ng pagkakataong dumaan sa'yo na hindi mo sinubukan eh pinalampas mo? Hindi mo na naman sila maibabalik di ba? Hindi ko naman sa sinasabi na subukan mo lahat dahil mahal mo ang isang tao. Nandun pa din yung limitasyon at ang judgement mo between right and wrong. Pero naisip mo na ba, paano kapag hintay ka ng hintay tapos sa kakahintay mo, hindi siya dumating kasi siya din naghihintay sa'yo?

KOMPLIKADO!

Sabi nga sa kanta ni Chito Miranda....

Boy: Mabuti pa sa lotto, may pagasang manalo. Di tulad sa'yo, imposible.
Girl: Mahirap maging babae. Kung torpe ang lalake, kahit may gusto ka, di maaari.

HAHA! Haaaay nako. Hintayan ang peg nila. Pano na? Ano na ang gagawin mo kapag nandito sa sa ganitong sitwasyon? Ako, honestly. Hindi ko alam. Kasi di ko naman malalaman kung may gusto nga siya sakin o wala. Pero ako yung tipo ng tao na kapag gusto kita, sasabihin ko. Mahirap nga lang kasi paminsan, namimiss interpret na biro lang yon. Oh di ba?! KOMPLIKADO TALAGA.

Eto pa!
"HALAMAN: ang tawag sa mga taong walang feelings, landi or kalibog libog sa katawan." - Sir Ramon Bautista

Hahaha! Ayan pa isa. Paano kapag ganyan naman ang peg? Ikaw na ang dumadamoves, kaso wala talaga, HALAMAN siya -- Living thing, pero walang pakiramdam. Ang hirap. Nagmumukha ka lang tuloy tanga kakahabol sa kanya.




Eto last na....
"We have the right love at the wrong time." - Barry Manilow


Shet! Ang saket di ba?! Mahal niyo ang isa't isa pero di talaga uubra yung salitang --- "NOW" sa inyo.

Minsan nga napapaisip ako, bakit nga ba ganito?

HAAAAAAAAAAAAAAAAAY :0

Isipin na lang natin, kapag lahat nagmamahalan at perfect ang pagsasama nila - WALANG EXCITEMENT! I mean, oo, ayaw natin yung mga arguments, tampuhan, hiwalayan, iwanan, pero di ba, parang wala kang maikukwentong dramatic sa magiging anak mo kapag puro saya lang ang naexperience mo di ba? I bet, iisipin niya -- Ay si Mommy, ang corny ng love life.

Itong mga sitwasyon ding ito ang nagpapatatag saatin, nagbibigay linaw sa atin sa konseptong hindi lahat ng pagkakataon ay masaya. Komplikado ang buhay. Komplikado ang magmahal.

The best thing na gawin natin eh, enjoyin kung ano ang meron ka ngayon, alalahanin ang mga bagay na kung saan natuto kang lumaban para sa susunod alam mo na ang gagawin mo, at paghandaan ang mga sitwasyong maaring mangyari bukas - at leats kung masasaktan ka man, hindi ganon kasakit. Nakapag handa ka na eh.

Wag mo ding kalimutang magdasal. Naghihintay lang naman Siyang kausapin mo Siya. Gagabayan ka niya sa mga desisyong gagawin mo. Hindi ka naman bibigyan ng pagsubok kung hindi mo kaya at hindi ka matututo. LAHAT NG BAGAY MAY RASON. Minsan, hindi natin maintindihan pero darating yung pagkakataong marerealize natin na "Ah! Tama pala....buti na lang..."

No comments:

Post a Comment