"Papa Jesus, sana po pagkagraduate ko ng college, magkaroon po sana ako ng magandang trabaho na related sa course ko......... okay lang po kahit hindi ako magkaboyfriend. Basta maging stable lang po ang career ko."
..yan ang mga salitang binanggit ko nung highschool pa lang ako. HAHAHA! Natatawa ako kasi nakasulat pa yan sa maliit na papel. Nasa box ko pa!...
Oh well. Kaya siguro wala pa akong boyfriend 'til now, kasi ngayon tinutupad ni Papa Jesus yung prayer ko dati. No regrets! May reason ang lahat.
Malapit na. Alam ko naman na ang graduation sa college ay isa sa pinakamahalagang event sa buhay ng isang tao, sa kanyang mga kaibigan, kapatid at lalong lalo na sa kanyang mga magulang. Biruin mo yun? After 15 years of schooling, at last!
Kasali ka na sa bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas? HAHAHA! *OM! Oo nga ano?!* Pero hindi, ganito kasi, after ng mahaba habang oras na ginugol natin sa pag-aaral, at last makakatulong na tayo sa parents natin na nagsakripisyo para makatapos tayo.
Ako, next week, lalakad na sa stage para kunin ang inaasam asam kong diploma ...... "Rheena Magpantay, BSBA Marketing and Corporate Communications, batch 2012" yahoooooo! ang sarap sa feeling.. Syempre! mas masarap ang feeling ng tatay at nanay ko! :)
Pero pagkatapos ng gabing puro red toga, camera lights, iyakan kung saan saan, yakapan at kung ano ano pang eksenang makikita mo after ng graduation rites, ANO NANG PLANO MO?
As early as now, ayun. Nandito ako. Nakaharap sa computer. Nagsign up sa Jobstreet at JobsDB para magbakasakaling may job opening para sa mga bagong graduate. Hindi ko alam kung bakit ako atat. Sabi ng mga higher batch men ko, magpahinga muna daw ako ng 1 buwan kasi kapag nagimula na kong mag work, wala nang 15 minutes grace period, excuse letter at permission to absent na ipapakita mo sa boss mo kapag gusto mong lumiban sa trabaho. Naisip ko, oo nga naman! pero sayang yung opportunity kung meron nang kumakatok sa pinto mo.
FIRST JOB INTERVIEW: Sinubukan ko lang. (Salamat sa professor ko na nagrecommend sakin) Ang magiging boss ko (is ever) eh Bedista din! Operations Assistant! Kaso ang sabi niya sakin, feeling niya ayaw ko yung post. Concern niya na baka di ko papractice yung talagang gusto ko which is marketing communications / PR. Well, good thing naman yon! AT LEAST concern si Sir! And I'm very glad.
SECOND JOB INTERVIEW: Paano kapag ang magiging boss mo eh isang cutie Atenista na sa buong interview mo eh nakangiti lang sayooooooooo? :"> Sorry. HAHAHA! Pero ang cute niya kasi. Ayun. Basta, normal pa rin akong gumalaw kahit na medyo awkward kasi nga cute siya! :P
THIRD JOB INTERVIEW: Pak na Pak! Magkakasundo kami! :)) Parehas kaming babaeng - bakla ng magiging boss ko (if ever) More kwento lang ang peg sa interview. Isa lang ang naalala kong technical na tanong niya ---- what is your concept on local store management? EH LAST SEM LANG NAMIN KINUHA YUNG SUBJECT NA YON KAYA FRESH NA FRESH PA! :)
Haaaai. Ewan ko. Nageenjoy akong magpainterview. Hindi ko alam kung bakit. O much more na nageenjoy akong makipagusap sa mga taong ngayon ko lang nakilala. Iba yung excitement eh.
Siguro nga, tama yung mga professor namin -- WALANG MARKETING STUDENT NA HINDI EPAL. :P
Kaya siguro ako nagiging kuportable sa kanila. Kailangan kasi. AY MAS OKAY KAPAG SINABI KONG ----- GANUN KASI AKO :)
Hopefully, bago mag end ang first quarter ng taon, makakuha sana ako ng trabaho. Sana. *crossedfingers
GUSTO KO NG ADVENTURE.
GUSTO KO NG BAGO.
GUSTO KO MAGEXPLORE.
ang galing! natutuwa ako pag nagbabasa ng blog mo Rheena... it challenges the mind, touches the heart, and tickles the funny bone. keep it up! and i hope you get the career that you want :)
ReplyDeleteThank you Ate Mac! :) Super nainspire ako nung binabasa ko yung sa'yo. Parang mas madami akong nasasabi kapag nagsusulat ako. Hihi. :)) Lablab! :*
DeleteGaling talaga ng Ate Rheena ko! Hahaha. Keep it up Ate Rheena! Good luck po and again, CONGRATULATIONS! Graduate ka na sa wakas! :)) God bless po.. :D
ReplyDeleteAw thank you dear! labyah! lapit na din kayo. Enjoyin niyo lang. Worth it lahat ng pagod at puyat :)
Delete