Saturday, March 3, 2012
Pwedeng MagDrama?
CALLING!
Ayan na siguro ang best word na pwedeng idescribe kung ano ang nararamdaman ko kapag nasa isang organization ako o kaya sa kahit anong klaseng group. Kahit anong pigil ko sa sarili ko, hindi pa din maalis yung pakiramdam na gusto mo involve ka sa decision making at gusto mo lahat ng detalye alam mo, kahit na paminsan namimiss interpret na ng iba yung pagaalala mo sa kabuuan ng mga gagawin niyo.
Nakakapagod, aaminin ko. Pero yun ako eh. At feeling ko, hindi ko na mababago. Destined na ko kung baga.
Ang masakit lang paminsan, hindi ka naaapreciate ng mga tao sa paligid mo. Ang unfair lang di ba? Hindi ko naman hinihingi ang isang "Ui! Ang galing mo. Congrats!". Gusto ko lang sana, magkaroon sila ng kusang gumalaw at mabuo sa mga puso nila ang salitang "committment" "Sacrifice" "Willingness" Haaaaay. In short, sa mga pinag gagagawa ko, sana makainspire ako ng tao. Hindi naman mahalaga saakin yung recognition na may medal pa or kung anek anek.
At the end of the day, narealize ko, kaya siguro ako binigyan ni Papa Jesus ng mahabang pasensya eh para mas mahaba pa yung panahong makapag servce sa mga tao. Ayun..
MAGULO BA YUNG BLOG KO? Pasensya na. :))
Love yah! :* Di bale, magkukwento ulit ako next time.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment