Monday, April 9, 2012

Kahit Na. ♥

Hello! Kamusta kayo? Pasensya na kung hindi ako masyadong nakakapagsulat. Madami lang kaming inaasikaso before, during at after ng graduation day..... (Clap clap for Batch 2012!)

So yun! kroooo! Kroooo! hahaha. Bigla ko lang naramdaman na gusto kong magsulat ulit. Sige na! Pagbigyan niyo na ako, baka matagalan ulit bago ang susunod. :)

Namiss ko lang bigla yung mga highschool classmates ko. Kasama ko sila kanina. Kwentuhan. Kwentuhan. At kwentuhan ulit. Ang sarap lang ng feeling!

9pm, tinawagan na ako ng nanay ko -- "Neng, alas-nueve na. Uwi na" So yun! Nagpaalam na ako sa kanila. Kasabay ko umuwi yung kaibigan kong sa kabilang block lang namin nakatira. As usual, daldalan habang naglalakad pauwi.

Bigla naming napagusapan yung tungkol sa mga boys niya. (hihi! as usual, interested ko!) Napaisip ako sa sinabi niya...

"Mas okay yung feeling na kasama mo yung gusto mo kaysa sa taong gusto ka."

OOOOOOOEW! @_@

Napaisip ako bigla. May point ka teh! hahaha

Pero mahirap pa ding masabing standard yung ganyang feeling. On a personal note, ako siguro aa-gree sa kanya. (eh syempre, ako yung tipo ng tao na --- okay na, at least magkaibigan kami.)

Saan ka nga ba lulugar sa ganitong sitwasyon? Ang hirap di ba? Paano kung si The One mo eh yung may gusto sa'yo at hindi yung taong gusto mo?

Eh paano naman kung ang Prince Charming mo eh yung gusto mo pero sumuko ka na kasi merong isang taong nagmamahal sa'yo kahit di mo naman siya gusto?

ANO NAAAAAAAAA?! Ang hirap e.

Haaaay, siguro ang masasabi ko lang, kung saan ka masaya edi doon ka. Wag kang manghihinayang sa desisyong gagawin mo kasi at some point in your life, pinasaya ka ng desisyon na yon. Wala ka na din namang magagawa kung di mo nakuha ang gusto mo kasi nangyari na.

Palagi mo na lang isipin ang kagandahan ng mga bagay sa lahat ng sitwasyon. Hindi lahat ng gusto natin makukuha natin. Peor kung iisiping mabuti, may makukuha pa din tayo sa bawat desisyong gagawin natin kahit hindi natin iyon gusto ---- LESSONS.

No comments:

Post a Comment