Nakita ko itong signage na ito.... "True love waits."
Uuuiii. May naisip siya bigla. ALAM KO NA! haha. -- si crush? Si boyfriend? Si childhood love? Ako din kasi... SIYA din yung naisip ko nung nabasa ko ito. Maraming pwedeng dahilan kung bakit natin sila naiisip...
Naghihintay ka sa mahal mo...
..kasi alam mo na merong perfect timing na ibibigay sainyo si Papa Jesus
..kasi meron pa siyang dapat gawin bago kayo maging "kayo"
..kasi gusto niyo pang i-enjoy yung pagiging "ako-state"
the bottom is...
..KASI MAHAL MO SIYA. at gusto mo perfect lahat kapag kayo na...
Sabihin nating TRUE LOVE talaga kapag ang isang tao eh naghihintay. Pero paano kapag dumating yung puntong lahat ng pagkakataong dumaan sa'yo na hindi mo sinubukan eh pinalampas mo? Hindi mo na naman sila maibabalik di ba? Hindi ko naman sa sinasabi na subukan mo lahat dahil mahal mo ang isang tao. Nandun pa din yung limitasyon at ang judgement mo between right and wrong. Pero naisip mo na ba, paano kapag hintay ka ng hintay tapos sa kakahintay mo, hindi siya dumating kasi siya din naghihintay sa'yo?
KOMPLIKADO!
Sabi nga sa kanta ni Chito Miranda....
Boy: Mabuti pa sa lotto, may pagasang manalo. Di tulad sa'yo, imposible.
Girl: Mahirap maging babae. Kung torpe ang lalake, kahit may gusto ka, di maaari.
HAHA! Haaaay nako. Hintayan ang peg nila. Pano na? Ano na ang gagawin mo kapag nandito sa sa ganitong sitwasyon? Ako, honestly. Hindi ko alam. Kasi di ko naman malalaman kung may gusto nga siya sakin o wala. Pero ako yung tipo ng tao na kapag gusto kita, sasabihin ko. Mahirap nga lang kasi paminsan, namimiss interpret na biro lang yon. Oh di ba?! KOMPLIKADO TALAGA.
Eto pa!
"HALAMAN: ang tawag sa mga taong walang feelings, landi or kalibog libog sa katawan." - Sir Ramon Bautista
Hahaha! Ayan pa isa. Paano kapag ganyan naman ang peg? Ikaw na ang dumadamoves, kaso wala talaga, HALAMAN siya -- Living thing, pero walang pakiramdam. Ang hirap. Nagmumukha ka lang tuloy tanga kakahabol sa kanya.
Eto last na....
"We have the right love at the wrong time." - Barry Manilow
Shet! Ang saket di ba?! Mahal niyo ang isa't isa pero di talaga uubra yung salitang --- "NOW" sa inyo.
Minsan nga napapaisip ako, bakit nga ba ganito?
HAAAAAAAAAAAAAAAAAY :0
Isipin na lang natin, kapag lahat nagmamahalan at perfect ang pagsasama nila - WALANG EXCITEMENT! I mean, oo, ayaw natin yung mga arguments, tampuhan, hiwalayan, iwanan, pero di ba, parang wala kang maikukwentong dramatic sa magiging anak mo kapag puro saya lang ang naexperience mo di ba? I bet, iisipin niya -- Ay si Mommy, ang corny ng love life.
Itong mga sitwasyon ding ito ang nagpapatatag saatin, nagbibigay linaw sa atin sa konseptong hindi lahat ng pagkakataon ay masaya. Komplikado ang buhay. Komplikado ang magmahal.
The best thing na gawin natin eh, enjoyin kung ano ang meron ka ngayon, alalahanin ang mga bagay na kung saan natuto kang lumaban para sa susunod alam mo na ang gagawin mo, at paghandaan ang mga sitwasyong maaring mangyari bukas - at leats kung masasaktan ka man, hindi ganon kasakit. Nakapag handa ka na eh.
Wag mo ding kalimutang magdasal. Naghihintay lang naman Siyang kausapin mo Siya. Gagabayan ka niya sa mga desisyong gagawin mo. Hindi ka naman bibigyan ng pagsubok kung hindi mo kaya at hindi ka matututo. LAHAT NG BAGAY MAY RASON. Minsan, hindi natin maintindihan pero darating yung pagkakataong marerealize natin na "Ah! Tama pala....buti na lang..."
Sunday, March 25, 2012
Saturday, March 24, 2012
Naghahanap.
"Papa Jesus, sana po pagkagraduate ko ng college, magkaroon po sana ako ng magandang trabaho na related sa course ko......... okay lang po kahit hindi ako magkaboyfriend. Basta maging stable lang po ang career ko."
..yan ang mga salitang binanggit ko nung highschool pa lang ako. HAHAHA! Natatawa ako kasi nakasulat pa yan sa maliit na papel. Nasa box ko pa!...
Oh well. Kaya siguro wala pa akong boyfriend 'til now, kasi ngayon tinutupad ni Papa Jesus yung prayer ko dati. No regrets! May reason ang lahat.
Malapit na. Alam ko naman na ang graduation sa college ay isa sa pinakamahalagang event sa buhay ng isang tao, sa kanyang mga kaibigan, kapatid at lalong lalo na sa kanyang mga magulang. Biruin mo yun? After 15 years of schooling, at last!
Kasali ka na sa bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas? HAHAHA! *OM! Oo nga ano?!* Pero hindi, ganito kasi, after ng mahaba habang oras na ginugol natin sa pag-aaral, at last makakatulong na tayo sa parents natin na nagsakripisyo para makatapos tayo.
Ako, next week, lalakad na sa stage para kunin ang inaasam asam kong diploma ...... "Rheena Magpantay, BSBA Marketing and Corporate Communications, batch 2012" yahoooooo! ang sarap sa feeling.. Syempre! mas masarap ang feeling ng tatay at nanay ko! :)
Pero pagkatapos ng gabing puro red toga, camera lights, iyakan kung saan saan, yakapan at kung ano ano pang eksenang makikita mo after ng graduation rites, ANO NANG PLANO MO?
As early as now, ayun. Nandito ako. Nakaharap sa computer. Nagsign up sa Jobstreet at JobsDB para magbakasakaling may job opening para sa mga bagong graduate. Hindi ko alam kung bakit ako atat. Sabi ng mga higher batch men ko, magpahinga muna daw ako ng 1 buwan kasi kapag nagimula na kong mag work, wala nang 15 minutes grace period, excuse letter at permission to absent na ipapakita mo sa boss mo kapag gusto mong lumiban sa trabaho. Naisip ko, oo nga naman! pero sayang yung opportunity kung meron nang kumakatok sa pinto mo.
FIRST JOB INTERVIEW: Sinubukan ko lang. (Salamat sa professor ko na nagrecommend sakin) Ang magiging boss ko (is ever) eh Bedista din! Operations Assistant! Kaso ang sabi niya sakin, feeling niya ayaw ko yung post. Concern niya na baka di ko papractice yung talagang gusto ko which is marketing communications / PR. Well, good thing naman yon! AT LEAST concern si Sir! And I'm very glad.
SECOND JOB INTERVIEW: Paano kapag ang magiging boss mo eh isang cutie Atenista na sa buong interview mo eh nakangiti lang sayooooooooo? :"> Sorry. HAHAHA! Pero ang cute niya kasi. Ayun. Basta, normal pa rin akong gumalaw kahit na medyo awkward kasi nga cute siya! :P
THIRD JOB INTERVIEW: Pak na Pak! Magkakasundo kami! :)) Parehas kaming babaeng - bakla ng magiging boss ko (if ever) More kwento lang ang peg sa interview. Isa lang ang naalala kong technical na tanong niya ---- what is your concept on local store management? EH LAST SEM LANG NAMIN KINUHA YUNG SUBJECT NA YON KAYA FRESH NA FRESH PA! :)
Haaaai. Ewan ko. Nageenjoy akong magpainterview. Hindi ko alam kung bakit. O much more na nageenjoy akong makipagusap sa mga taong ngayon ko lang nakilala. Iba yung excitement eh.
Siguro nga, tama yung mga professor namin -- WALANG MARKETING STUDENT NA HINDI EPAL. :P
Kaya siguro ako nagiging kuportable sa kanila. Kailangan kasi. AY MAS OKAY KAPAG SINABI KONG ----- GANUN KASI AKO :)
Hopefully, bago mag end ang first quarter ng taon, makakuha sana ako ng trabaho. Sana. *crossedfingers
GUSTO KO NG ADVENTURE.
GUSTO KO NG BAGO.
GUSTO KO MAGEXPLORE.

Sunday, March 11, 2012
Something we can call HAPPYness
March 10, 2012 -- Our last CLASS-DAY for our college life. Grabe lang! Ang daming memories na bumalik sakin nung araw na yon.
Nung 4th year highschool ako, hindi ko inaasahang sa San Beda ako magka-college. Hindi ko pa nga alam kung anong kurso yung kukunin ko nun. Basta ang nakatatak sa isip ko, "Gusto kong mag Piloto, Abogado o kaya naman Sundalo" -- o di ba? Ang weird ko? Hahaha! Puro panglalaking trabaho ang gusto ko.
Ang main reason ko kung bakit ako sa San Beda nag enroll eh kasi:
1. Sabi ni Tatay, magandang school daw yun kapag gusto mong Mag-Law (which is totoo naman-- hahaha! yabang luuungs eh no?)
2. Kasi nung una kong nakita yung San Beda, ang konti lang ng estudyante (Sabi ko sa sarili ko, okay dito, di maingay, makakapag aral ako.)
3. at higit sa lahat ---- MADAMING BOYS! (Seriously, kahit itanong niyo tatay ko, siya kasi kasama ko nun nung nag enroll ako, sasabihin niya "Oo.")
So sinulat ko sa enrollment form --- MARKETING and CORPORATE COMMUNICATIONS.
Ayun, nagenjoy naman ako ng sobra sobra. Salamat sa lahat ng mga naging kaibigan ko, prof ko, kakilala ko, kamag anak ko, kapatid ko, parents ko at higit sa lahat kay Papa Jesus na walang sawang gumagagabay sa bawat desisyon na gagawin ko.
Naeexcite na natatakot ako sa susunod na chapter ng buhay ko. Pero kakayanin! Kasi alam ko, may magandang planong naghihintay para saakin. Hindi man ito madaling makuha, eenjoying ko naman ang bawat araw na bubunuin ko para makamit yun kasama ang mga taong mahal ko at makikilala ko along the way.
SUPER MAMIMISS KO KAYOOOOOO :'(
4AMC Batch 2012 (Photo taken last Feb 2008)
My Bedan Musicians' Guild Family
My SBP Family
AND ALL MY BEDAN FRIENDS! :))) (sorry walang picture na lahat kayo nandon hehe :))
PS: Gusto ko sanang yakapin ng mahigpit ang mga anak ko:
Alelie, Kevin, Yana, Dess, Allene, Wei, Jana, Edward, Archeeno, Carlo, Luigi, Joric, Jai & Inigo, Pauline, Josh, Lee, Badi, Fourth, Russel, Jonas, Isabel, Rob :)
Saturday, March 3, 2012
Pwedeng MagDrama?
CALLING!
Ayan na siguro ang best word na pwedeng idescribe kung ano ang nararamdaman ko kapag nasa isang organization ako o kaya sa kahit anong klaseng group. Kahit anong pigil ko sa sarili ko, hindi pa din maalis yung pakiramdam na gusto mo involve ka sa decision making at gusto mo lahat ng detalye alam mo, kahit na paminsan namimiss interpret na ng iba yung pagaalala mo sa kabuuan ng mga gagawin niyo.
Nakakapagod, aaminin ko. Pero yun ako eh. At feeling ko, hindi ko na mababago. Destined na ko kung baga.
Ang masakit lang paminsan, hindi ka naaapreciate ng mga tao sa paligid mo. Ang unfair lang di ba? Hindi ko naman hinihingi ang isang "Ui! Ang galing mo. Congrats!". Gusto ko lang sana, magkaroon sila ng kusang gumalaw at mabuo sa mga puso nila ang salitang "committment" "Sacrifice" "Willingness" Haaaaay. In short, sa mga pinag gagagawa ko, sana makainspire ako ng tao. Hindi naman mahalaga saakin yung recognition na may medal pa or kung anek anek.
At the end of the day, narealize ko, kaya siguro ako binigyan ni Papa Jesus ng mahabang pasensya eh para mas mahaba pa yung panahong makapag servce sa mga tao. Ayun..
MAGULO BA YUNG BLOG KO? Pasensya na. :))
Love yah! :* Di bale, magkukwento ulit ako next time.
Subscribe to:
Posts (Atom)