Wednesday, June 13, 2012

Wrong Timing

"Ang hirap maging babae. Kung torpe yung lalake. Kahit may gusto ka, di mo masabi."
-Pangarap lang kita by Parokya ni Edgar

Kung tutuusin, hindi lang sa pagibig madalas mahirapan ang mga babae. Actually, kahit sa pangkaraniwang araw sa buhay namin, nahihirapan din kami.

Katulad na lang kapag siksikan sa jeep, yung tipong uwing uwi ka na, pero punuan, iniisip mo, sasabit ka na lang, pero hindi pwede kasi nga babae ka. Yung tipong gusto mong mag sleeveless, kasi mainit, pero dahil hindi ka pa nagshe-shave, magti-tshirt ka na lang kasi baka makita ni crush. Yung tipong gusto mong kumain ng bongga, pero dahil conscious sa diet at isa sa pinaka end-of-the-world-statement ang "Ui, nananaba ka ata", pipilitin mo na lang mag fasting at ideprive mo ang sarili mo sa sneakers na pinaka favorite mong chocolate. Ayan at madami pang iba.
Pero eto ang matindi. Paano kapag "your day" tapos inaya ka ng mga kaibigan mong guys na mag lunch out? Dahil ikaw ang ang maiiwan sa office, "oo" na lang ang sasabihin mo. Tapos pagbaba mo ng sasakyan, biglang.... PAK! 'red alert'... anong gagawin mo? Sasarilihin mo lang ba? o ipapaalam sa kanila since nasa bahay naman kayo nuung friend mo? :|


ANG HIRAP MAGDECIDE di ba?


Sige, sasabihin ko, oo kanina lang 'to actually nangyari sakin. isipin niyo na lang ang itsura ko nung nagpapanic ako kung anong gagawin ko, di ba?

Lumapit ako dun sa isang guy na komportable akong kausap. Akala ko , bubully-hin nila ako. Hahah! (Kasi naman, kapag nacocorner nila ako, madalas, bully abot ko. Pero biruan lang yon) Ayun, na feel ko na meron akong mga Kuya this time.

"Kuya, sorry, Nahihiya talaga ako. Salamat ng marami."
"Ano ka ba? Okay lang yun no. Natural lang yan sa babae."

Buti na lang, mabait yung mom ng isa kong kaibigan. :)



Pero ako, syempre kahit ganon ang sinabi nila, di pa din ako makaget over sa nangyari. Ginawa ko na lang katatawanan, nakisabay pa din ako sa kanila at di umalis. Di ko din naramdaman na nailang sila sakin. Haaay. Sorry, natutuwa lang ako. Kasi unang beses sakin na nangyari to at napakagaan sa pakiramdam na nirerespeto ka ng mga lalaking nakapaligid sa'yo. Kahit mahirap maging babae, kung katulad nilang mga lalaki ang kasama mo, di mo mararamdamang nahihirapan ka. Sasamahan ka nila sa mga ganitong pagkakataon. Thank you papa Jesus for giving me friends like them :)

#OfficeExperience

Follow me on twitter @rheenabells

2 comments: