Thursday, June 21, 2012

Getting Over

Anong mararamdaman mo kapag yung isang bagay na malapit nang matupad, bigla na lang hindi magiging totoo?

Naranasan mo na bang umasa sa isang bagay na akala mo dati, "ito na"? O di naman kaya maghintay sa paniniwalang may pag-asang mangyari ito pero sa huli, wala din?

Nakakalungkot isiping natural na sa tao ang makaramdam ng "panghihinayang". Yung iba, masyadong dinidibdib -- nagaadik, nanchichicks, nanlalalake, gastos sa mga walang katuturang mga bagay. Naisip mo na rin ba na kapag nagpatalo ka sa depresyon ng nangyari sa'yo, magiging mabuti o maganda ba ang kinalabasan ng buhay mo?

Hindi din di ba?

"Wala na namang mangyayari kung iiyakan mo. Oo, nasaktan ka, eh pagkatapos ano? Magaadik ka? HELLO! Sayang ang buhay mo. Marami ka pang pwedeng gawin."

Paano mo ito malalampasan at malilimutan yung sakit? Paano mo sisimulan muli yung masaya mong buhay?

Sa totoo lang, lahat ng iyan, ikaw lang ang makakasagot. 'Wag mong hayaan ang sarili mong makulong sa galit, lungkot at panghihinayang. Isipin mo na lang ganito:

"At some point in your life, yung bagay na pinanghihinayangan mo, nagbigay din naman ng kasiyahan sa'yo. Ginusto mo din naman silang sumali sa buhay mo. Isa pa, isipin mo na lang ang mga natutunan mong aral sa mga nangyari. Para sa susunod, alam mo na. Mas malakas ka na. Mas matalino ka nang gumawa ng mga desisyong makakapagbigay sa'yo ng matagalang kasiyahan."



Follow me on twitter @rheenabells

No comments:

Post a Comment