Monday, February 20, 2012

At the end of the day.... Siya pa din ♥

"...salamat po sa lahat ng blessings, alam ko pong hindi Niyo ngayon ibibigay ang gusto ko, pero napaka swerte ko dahil binibigay Niyo po ang mga pangagailangan ko..."

Naitanong mo na ba sa sarili mo kung NAKAKAPAGDASAL ka pa? Siguro kapag kailangan lang o required sa school. Alam mo yun, yung time na bago mag simula yung klase, event o kung ano ano pang pangyayari sa school.O kaya naman, kung kelan lang may nagyaring masama (knock on wood) o nangangailangan ka lang ng tulong dahil nawalan ka ng pera.


Naitanong mo na ba sa sarili mo kung kailan mo huling nakausap si Papa Jesus na hindi nirerequire ng teacher mo sa school na kausapin siya? Yung bukal sa puso? Yung kayong dalawa lang talaga at nafeel mong nandiyan Siya sa tabi mo....

Ang hirap kasi sa atin, naaalala lang natin Siya kapag may kailangan tayo, may problema o kaya naman nahihirapan na tayo. Wala tayong initiative na magpasalamat man lang o humingi ng tawad sa mga maling nagawa natin.

Angal tayo ng anagal, reklamo dito rekalmo don..... Nung nahirapan ba siya, nakarinig ba tayo ng ni isang reklamo sa Kanya? Hindi naman di ba?

Yun lang naman ang hinihingi Niya -- alalahanin natin na may isang EXTRAORDINARY FRIEND tayong nagaalala saatin sa taas.

Sana wag nating kalimutan na magdasal para kausapin siya kahit na maraming mga bagay ang pinagkakaabalahan natin ngayon. Isipin natin, Siya din ang nagbigay niyan. :)


*eto pala, nakareceive ako ng SMS. gusto ko lang naman i-share sa inyo

HUMAN LOVE : "if ever you need anything, I will be there."
GOD's LOVE: :You will never be in need of anything, I am always there."

Tuesday, February 14, 2012

Paano mo masasabing gusto mo ng Pagbabago?


MABUTING MAMAMAYAN KA BA NG PINAS?

Mahirap sagutin di ba? Ano ano ba ang mga criteria para masabing isa kang "MABUTING" mamamamyan? Ako? Hindi ko din alam. Siguro, ayos na yung gumawa ka ng TAMA, gumawa ka ng mga bagay na makakatulong ka, gumawa ka ng mga desisyaong hindi aapak ng ibang tao at higit sa lahat, una ang Panginoon sa lahat ng bagay na gagawin mo.

Sa apat na taong pagbababyahe mula Taguig (sa bahay namin) papuntang Mendiola (sa San Beda), marami akong napansing nais ko sanang iparating sa mga nakaupo sa ating gobyerno. Alam ko, maliit lang na bagay kung titingnan. Pero isipin natin, kapag naipon, o kaya naman nakasanayan na, mahirap nang tanggalin o baguhin.

Isa siguro sa mga kinaiinisan ko ay yung walang "TIME SENSITIVITY" (salamat sa tatay ko na nagturo sakin nito). Sasabihin ng iba, "Eh Filipino Time e. For sure, late din yun, magpapalate na din ako." EH HELLLOOOO! Kung ganyan lahat ng nasa isip niyo, ano na lang kayang mangyayari sa oras na napag usapan niyo? :| DI MO NAMAN MAIBABALIK ANG ORAS NA NAWALA NA. Sana meron isa sa grupo na mag-inititiate na maging ON TIME, di ba? :)

Pangalawa, ang mga taong walang pakundangang tumatawid sa di tamang tawiran. OMG! Tapos kapag naaksidente, "HUSTISIYAAAAAAAAAAAA! Asan ang HUSTISYA?!" Batukan ko kayo eh! Sige nga, paano ka bibigyan ng hustisya kung ikaw mismo, hindi mo binibigyan ng hustisya yung mga matitinong driver na maayos na nagpapatakbo ng sasakyan at dahil lang sa isang makasariling taong tumatawid dahil gustong makarating sa pupuntahan agad agad, napahamak pa si kawawang driver. SA GANITONG PAGKAKATAON, anong laban ng isang driver kapag nakasagasa siya ng isang taong tumatawid sa hindi tamag tawiran? Kahit na hindi murder yun, malaking trauma ang maidudulot non sa driver.

Pangatlo, mga nag momotorsiklo na walang helmet, nagoovertake sa right side at singit ng singit sa mga malalaking sasakyan kapag traffic para lang makapwesto sa malapit sa traffic light. Kung hindi lang talaga bawal mambangga ng makukulit na motor cycle driver, malamang, wala nang gagamit nito.

Isa pa ay ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng mga daanan. NAKO! MGA TAO TALAGA, BIBILI BILI NG SASAKYANAN, WALA NAMANG GARAHE! Common sense naman please?! Parang bumili ka ng mga kabinet, sofa, dinning table at kung ano ano pa, tapos wala ka namang bahay. NAKAKAISTORBO, NAKAKATRAFFIC!

Mga kapit bahay na malakas magpatugtog kahit hatinggabi na. Di naman bawal magsaya, pero kung nakakaistorbo na, MALING MALI NA!

MGA TAONG : nagtatapon ng basura kung saan saan, dumudura kung saan saan, sumasakay sa di dapat sakayan, sinisisi ang gobyernbo kung bakit sila mahirap, anak ng anak, at kung ano ano pa.

Hindi ko sinasabing perpekto ako. kahit ako, nahihirapang sundin lahat ng nakasaad sa batas natin. PERO SINUSUBUKAN KO, GINAGAWA KO. Wala namang mawawala saatin kung susunod tayo, sa katunayan nga, mas magiging maayos ang takbo ng buhay natin kapag ganon.

Ang hirap lang kasi satin, ayaw nating nagsasakripisyo para sa ibang tao (i mean, maliban sa pamilya at kaibigan natin)gusto natin, benefit lagi satin. HINDI NAMAN PWEDE YUN. May mga bagay na aayon sa gusto natin, may maga bagay na hindi.

Paano mo masasabing gusto mo ng pagbabago kung ikaw sa sarili mo, hindi mo ginagawa ang pagbabago. Palagi kang naghahanap ng may masisisi sa mga bagay na ginagawa mo?


SANA MATUTUNAN NATING MAHALIN at RESPETUHIN ang mga bagay, hayop, tao, paligid at kung ano ano pang existing na living at non living things sa paligid natin. WALA TAYO KUNG WALA SILA, WALA SILA KUNG WALA TAYO.

Umpisahan ang pagbabago sa sarili. Wag hanapin sa iba ang pagbabago kung ikaw mismo ayaw mong maginitiate ng pagbabago. :)

Friday, February 10, 2012

Masaya ako Dito

"Kapag Masaya ka sa ginagawa mo, you'll never get tired."

Madalas akong sabihan ng tatay ko kung bakit di ako magtigil sa pagsali sali sa mga organization sa school namin. Since elementary, active palagi ako sa extra curricular -- volleyball at taekwondo (kaya medyo sexy ako nung HS Hihi), school newspaper, choir, drum and lyre, ,math club at Student Council.

Noon, hindi ko alam kung bakit. Basta ang nasa isip ko, parang tinatawag ako na gawin ang mga bagay na yon. Masaya ako na nakakapagpasaya ako ng ibang tao.

Pero minsan, umaabot din sa punto na PAGOD na PAGOD ka na. Mga pagkakataong akala mo mali yung ginawa mong desisyon. Sinisisi mo yung pagiging "Bibo Kid" mo kung bakit ka nahihirapan sa kasalukuyan.

Ako, sa totoo lang, ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na pagdating ng huling taon ko sa kolehiyo, hindi na ako kakanta, hindi na ako tatanggap ng responsibilidad sa mga organizations at magfofocus ako sa pagaaral ko. Natuwa ang tatay ko nung nalaman niya yon. Sa wakas daw, naliwanagan ako na unahin naman ang sarili ko.



Pero meron talagang pagkakataong mararamdaman mo na tinatawag ka na ituloy mo yung mga bagay na nasimulan mo na, yung mga bagay na madaas pinapasaya ka, yung mga bagay na nagbigay sayo ng pagkakataong maging "unique" sa iba, yung mga bagay na bumuo sa kung ano si "Ikaw" sa orsa na ito.

Siguro nga, tama ang sinabi nila: "Kapag Masaya ka sa ginagawa mo, you'll never get tired." kahit anong pilit mong tumanggi, nandun na yung puso mo sa mga bagay na gusto mong gawin kahit madami ang tumututol. Hinding hindi mo pagsisisihan isang desisyong alam mong magiging masaya ka kahit na ayaw ng mga tao.

Buhay mo yan. Alam mo kung ano ang gusto mo at makakapagpasaya sayo.......

KASI, KAHIT NAKAKAPAGOD.....

Bago matapos ang araw, alam mong naging masaya ka. :)

Thursday, February 2, 2012

Status Update: Spread love This Month :)



"Kung sino sino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako, at kung saan saan ka pa naghahanap nandito lang naman ako. Ako na lang sana, tayo na lang dal'wa. Sana malaman mo pala, ako na lang sana."
~ Zia Quizon, Ako Na Lang Sana

Uuuuuy. Nakarelate siya. O sige, dahil love month, gawin nating "love" ang topic ko today. Hihihi. :">

Siguro kung mag coconduct ako ng research, isa sa mga nasa top topic na pinaguusapan sa social networking sites ay ang mga kwento tungkol sa "Pag-ibig"... Agree? Kung hindi.. Abnormal ka. Seryosooooo. Abnormal ang isang taong hindi nagiging interesado kapag love na ang pinaguusapan.

Sige, idetalye pa natin. Sa aking obserbasyon, madaming naguusap o nagkokomento sa isang status kapag ang laman nito ay tungkol sa mga:
1. ka-Bitter-an (masama ang loob mo kasi hindi mo nakuha ang gusto mo)
2. Pa-Martyr and drama (Okay lang, kung saan siya masaya, masaya na din ako)
3. Waiting is a Virtue. Ay Patience pala. (ginagawang excuse ang "darating din yan, maghintay ka lang" kahit sa loob loob niya eh "bakit ang tagaaaaaal?!")
4. Me against the WHOLE WIDE UNIVERSE (galit na galit kasi niloko siya).
5. Honey-Bee (Kinikilig lang ang peg, okay na siya dun. Hanggang kilig)
6. You're my YOU (Hihihi. Eto! Siya na! Siya na talaga ang masaya sa love life)

at kung ano ano pang uri ng status tungkol sa pagibig. Ikaw ba? Ano ang sa'iyo?

Haaaay nako. Ganito na lang. Ang Pebrero ay buwan ng pagibig, pero ibig sabihin na ba nun e kapag Valentine's Day, si Boyfriend lang ba o si Girlfriend lang ang pwedeng i-date?

DI BA ANG PAG IBIG AY IBINIBIGAY SA LAHAT? So pwede si classmate, si best friend, si tito, si tita, si kuya, si ate, si nanay at si tatay o para mas masaya, buong pamilya :)




Sa pananaw ko, hindi mo kailangang maging 'in a relationship' para icelebrate ang valentine's day. Sabihin nating si kupido ay pumapana lang ng dalawang puso ng tao para mainlove sila sa isa't isa. Pero pwede din namang panain niya yung puso ng mga taong walang paki sa mga nagugutom sa kalsada para naman mainlove sila sa idea ng pagtulong, o kaya naman panain yung mga taong nagaaksaya ng pera para sa sariling kasiyahan para naman mainlove sila sa idea ng pagtulong sa mga taong hindi makalabas ng ospital dahil sa kakulangan ng pambayad? tingin niyo? Pwede naman tayong mainlove sa mga intangible na maga bagay di ba? INLOVE IDEA NG PAGTULONG at PAGMAMALASAKIT SA KAPWA. :)


Sabi nga sa isang kanta --- "We found love in a Hopeless place" O ayan na ha. Hindi lang sa isang babae at isang lalakeng nagkagustuhan natin makikita ang PAGMAMAHAL. Pwede nating makita ito sa isang pagkakataong hindi mo inaasahan, katulad na lang sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga labing matagal nang hindi nakakaramdam ng ngiti, pagpapatawa sa mga pusong matagal nang nakatago sa galit at poot. OH EM! Makata much na!

ISIPIN NATIN. :)

Wala naman akong balak baguhin ang pananaw niyo tungkol sa buwan ng pagibig. Pero come to think of it, di ba? Hindi lang sa pagkakaroon ng partner ang main idea ng LOVE MONTH. Kaya nga LOVE eh, it is for everyone.


PS. NBSB ako. HAHAHAH! Pananaw ko lang po ito. Kaya ko po nasabi yung mga ito eh di dahil bitter ako na wala akong partenr this season kundi naisip ko lang na hindi lang
nalilimita sa dalawang tao, pwede mo naman itong ishare sa MAS MADAMI PA :)

Wednesday, February 1, 2012

Anong Pipiliin Mo?


Kaninang umaga, nakita ko 'tong status ng SBC Graduate School of Business sa Newsfeed ko sa Facebook:

"When it comes to being happy, there's neither right nor wrong thing but a battle between your happiness and their judgement."

Napaisip ako bigla. Ano nga ba ang una kong iisipin?

Sa totoo lang, ako yung tipo ng tao na ayaw ang may kaaway. Yung tipong ayaw sa'yo ng taong yun, ayoko ng ganong pakiramdam. Kaya siguro masyado kong binibigyan ng pansin ang mga kumento at mga sinasabi ng ibang tao tungkol sakin. Minsan, naapektuhan na din yung mga ginagawa kong desisyon kasi ayoko yung may masasabi silang hindi maganda.

Pero paano kung sarili mo nang kaligayan ang pinaguusapan? Iisipin mo pa rin ba ang sasabihin ng iba? O hahayaan mo na lang sila para makuha mo ang hinahanap mong saya?

Siguro ako, mas iisipin ko ang kaligayahan ko, kahit na anong sabihin ng ibang tao. Mahirap kasing magsisi dahil hindi ko ginawa ang mga bagay na gusto ko dahil sa masyadong pagaalala sa tingin ng iba.

Nung highschool ako, ang tingin ng mga tao sa akin ay isang masipag na estudyante, magaling na lider, mabuting kaibigan at anak.... Masyadong mataas. Minsan, nakakasakal. Natanong ko sa sarili ko kung masaya ba ako sa ginagawa ko? O baka naman ginagawa ko lang 'to dahil gusto ng mga tao sa paligid ko?

Dumating yung puntong nakapasa ako ng UP. At inaasahan ko na ang pangungulit ng mga teacher ko, classmate ko, kamagaanak ko at mga magulang ko na doon ako magaral. Pero iba, alam kong iba ang gusto ko. Bakit ako papasok sa UP? Dahil sa isa siyang unibersidad ng mga matatalino? Dahil pwede akong ipagmalaki ng mga magulang ko kapag doon ako nagaral at nagtapos? Dahil pwede kong ipagmayabang sa mga kaklase ko na naipasa ko ang entrance exam ng isang eskwelahang mataas ang standards? HINDI. Sabi ko sa sarili ko..

"Ngayon, ako naman. Pwede ko namang patunayan na may utak ako kahit hindi ako doon pumasok. Pwede pa rin naman akong ipagmalaki ng mga magulang ko kahit sa ibang eskwelahan ako magaral at pwede ko namang ipagmalaki ang eskwelahang papasukan ko sa mga classmate ko at teacher ko. Eh doon ako masaya eh, bakit ba?"

Yun na nga. Di ako tumuloy sa UP. Sa San Beda ako pumasok. Katulad ng inaasahan, marami akong narinig na hindi magandang kumento nung panahon yon.

"Bakit hindi sa UP?"
"Ano ba yan, sayang naman yung pagpasa mo."
"Yang anak ko, pumasa ng UP, kaya lang tinanggihan at nag-San Beda"

Mahirap para sa loob kong tanggapin ang mga ganoong kumento. Para kasing sinayang ko yung mga inaasahang bagay sakin ng mga tao. Kahit ang mga magulang ko, nung una, hinayang na hinayang. Naisip ko nung puntong yon, papangatawanan ko yung desisyong ginawa ko. Alam kong hindi ako magsisisi sa huli kaysa naman sundin ko ang gusto nila at habangbuhay kong pagsisisihan ang hindi pagsunod sa sarili kong kaligayahan.

Naalala ko ang sabi ng tatay ko.. "Nak, nung una pa lang hindi na kita pinilit. Hinayaan lang kitang mamili. Alam ko naman kasing yan ang gusto mo at wala kaming magagawa don dahil buhay mo yan. Oo, nanghihinayang ako sa pagkakataong nasayang. Pero sa huli alam ko namang magiging masaya ka kasi ikaw mismo yung nagdesisyon para sa sarili mo."

Natuwa naman ako kasi kahit paano, naramdaman ko ang supporta ng magulang ko.


Ngayon, malapit na akong magtapos sa San Beda. May sagot na ako sa lahat ng mga kumento ng mga tao noon...

Bakit hindi sa UP? --- Bakit hindi sa San Beda? Eh maganda kaya dun. Kahit maliit lang yung school namin, masaya naman. Iba yung bonding ng mga estudyante.

Ano ba yan, sayang naman yung pagpasa mo. ---- Hindi naman. Masaya pa din ako na naexperience kong magUPCAT. At least di ba? Naexperience ko. :)

Yang anak ko, pumasa sa UP, kaya lang tinanggihan at nag-San Beda --- Siguro kasi nandon yung puso ko. After graduation, it is all about what you've learned and how you will apply it in real life. Ang turo samin sa San Beda, hindi mo kailangang maging matalino para maging successful, ang kailangan mong matutunan ay ang diskarte at ang magandang pakikisama sa mga magiging kasamahan mo paglabas mo ng school.

Hindi ko pa rin naman maiwasang magtanong sa sarili kapag nagpupunta ako ng UP, "Paano kung dito ako nagaral?", pero palagi ko lang inaalala yung mga masasayang pangyayari at mga natutunan ko sa San Beda. Hindi ko ipagpapalit yon at hindi ako nagsisisi na ito ang pinili ko kasi naging masaya ako.

Eto lang, hindi mo kailangang i-please ang ibang tao para lang maramdaman mong masaya ka. Kasi ang tunay na kasiyahan ay ikaw mismo ang gagawa. Sa una, mahirap kasi madaming masasalita ng hindi maganda sa likod mo. Pero pangatawanan mo lang, kasi sa huli, wala kang pagsisisihan. Ikaw ang gumawa niyan at sa isang pagkakataon sa yong buhay, naging masaya ka dahil sa desisyong ginawa mo.



PS. Wala naman po akong hurt feelings sa UP. Nagkataon lang po na yun yung gustong eskwelahan ng mga magulang ko para sakin. Naniniwala pa din ako na ang bawat estudyante ay may kanya kanyang kagalingan regardless sa school na pinasukan nila :)