Sunday, May 27, 2012

Ikaw ang the Best!

Simula pa lang nung bata ako, hilig ko na talagang kumanta. Kinukwento saakin ni nanay na ang una kong kantang kinanta ay yung "I will always love you" ni Whitney Houston. Sumasali din ako sa mga singing contest sa school namin noong elementary ako. No'ng high school naman, kasali ako sa glee club at sa Bedan Musicians' Guild noong college.

Hindi ko alam, basta kapag nakakarinig ako ng magaling tumugtog at kumanta, gusto ko maging katulad nila.

September 24, 2011 --- Pumunta ako sa St. Michael Parish sa loob ng Philippine Army Officers' Village sa Fort Bonifacio para mag auditions sa choir nila. Kasama ko si Charles, classmate ko no'ng college na kasali din sa choir.

Bago ko sumali sa CIC (pangalan ng grupo namin), may mga kakilala na ako doon - si Alelie, girlfriend ni Charles at si Jade.

Masaya naman nila akong tinanggap sa choir. Habang tumatagal, hindi ko inaasahang magiging kaclose ko sila ng sobra.

Lately lang, sumama ako sa annual retreat ng Pastoral Youth Ministry sa Antipolo. Syempre, kasama kami dun -- CIC. Doon ko na realize na masarap mag serve kay Papa Jesus. Alam mo yung feeling na nag-gigiveback ka sa lahat ng blessings na nakapagpasaya sa'yo, trials na nakapag palakas sa'yo at mga sitwasyon di mo inaasahang mararanasan mo.

Sabi ko dati, ang kasama lang sa bucket list ko ay ang sumali sa isang church choir. Pero more than that ang ibinigay saakin ni Papa Jesus. He gave me friends na handang makinig sa'yo kapag may problema ka o kahit sa mga simpleng bagay lang na nangyayari sa'yo-- kinikilig, naiinis, naeexcite....

Salamat ng maraming marami Papa Jesus sa patuloy na pag gabay saakin at sa walang sawang pagbibigay ng mga bagay na nakakapagpasaya saakin - aking pamilya, kaibigan at mga makikilala pa.



"For your love is as high as the heavens above us."

Follow me on twitter @rheenabells